Pag-liquidate sa 92% ng pondo ng PhilHealth na napunta umano sa katiwalian, hindi sapat

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, hindi sapat ang sinabi ni Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth President Dante Gierran na na-liquidate na ang 92% ng P15 billion na pondo nito na sinasabing napunta sa katiwalian.

Punto ni Lacson, iba ang liquidation sa audit.

Ipinaliwanag ni Lacson na ang liquidation o pagdetalye sa pinaggamitan ng pondo ay hindi nangangahulugan na legal na ang paggamit sa pondo.


Inihalimbawa ni Lacson ang pagbibigay sa dialysis center at infirmary ng pondong nakapaloob sa Interim Reimbursement Mechanism o IRM na para lang sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Lacson, ito ang dahilan kaya may mga dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth ang kinasuhan ng task force na pinangungunahan ng Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments