
Ipinauubaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang desisyon kung ila-livestream o hindi ang mga pagdinig nito.
Ayon sa pangulo, walang magiging epekto sa kredibilidad ng ICI ang livestreaming ng kanilang mga imbestigasyon, ngunit tungkulin ng komisyon na magtakda ng malinaw na patakaran bago ito ipatupad.
Praktikal din aniya ang livestreaming para sa transparency, ngunit kailangan munang tapusin ng ICI ang pagbuo ng mga alituntunin upang matiyak na maayos at patas ang proseso.
Binigyang-diin naman ng pangulo na ayaw niyang makialam sa operasyon ng ICI, at mas mainam na hintayin ang kanilang desisyon dahil sila mismo ang nakakaalam kung makatutulong o makasasagabal ito sa imbestigasyon.
Facebook Comments









