Hindi umano imposible na i-lock down ang buong Metro Manila kung lalala pa ang bilang sa mga nagpopositibo ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Manager Jojo Garcia, matapos gawin ang pagpupulong ng mga Mayor ng Metro Manila Council sa MMDA main office kahapon ng hapon.
Ayon kay Garcia, ang Code Red Sublevel 1 bilang status alert ng COVID 19 ay hindi basihan upang i-lockdown ang buong Metro Manila.
Anya dapat, nasa Code Red sublevel 2 ito, ibig sabihin mayroon ng community transmission ng nasabing virus.
Anya manggagaling ang rekomendasyon nito sa Inter-Agency Task Force on Emerging infectious Disease (IATF-EID).
Samantala, Sinabi naman ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, taga pangulo ng Metro Manila Mayor’s Council, na bukas sila sa posibilidad na I-lock down ang Metro Manila kung idedeklara ng IATF -EID na nasa Code Red Sublevel 2 na ang status ng COVID-19 sa bansa.
Ito anya ay para matutukang ang pagbibigay ng lunas sa mga apektado ng nasabing virus, at maiwasan na rin ang pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.