Pag-lockdown sa Metro Manila, extreme measure umano ayon kay Makati Mayor Abby Binay

Extreme measure, ito ang nagging pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay, kung sakaling i-lockdown ang buong Metro Manila ng dahil sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Aniya masyado pang maaga na i-lockdown ang Metro Manila dahil nasa Code Red Sublevel 1 pa lang ang status alert ng COVID-19 sa bansa.

Payo ni Binay na sumunod lang muna kung ano ang ipinatutupad ng national government upang makatulong sa pag-pigil sa pag-kalat ng nasabing virus sa Metro Manila at sa iba pang bahagi pa ng bansa.


Sinabi ng alkakde na nakaalerto na ang kanyang ginawang task force na tutugon sa pagresponde kaugnay sa COVID-19.

Nagtayo na rin anya ang lungsod ng Makati ng isolation Facility para sa mga taga Makati na posibling carrier ng virus.

Facebook Comments