PAG Member arestado ng Militar-M16 nakumpiska

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng 61st Division Reconnaissance Company at 57IB si Alimudin Sangcopan, sinasabing myembro ng Private Armed Group sa Maguindanao sa operasyon sa Shariff Aguak.

Nakumpiska sa kanyang pag iingat ang isang M16 at mga bala. Agad namang itinurn over sa Shariff Aguak PNP si Sangcopan.

Ang operasyon ay bunsod pa rin sa mas pinalakas na kampanya ng Militar kontra loose firearms sa direktiba ni 6th ID Commander MGen. Arnel Dela Vega.


Facebook Comments