Pag-modernisa sa Bureau of Immigration, iginiit na ng isang senador

Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go, ang pangangailangan na i-modernisa na ang Bureau of Immigration (BI).

Aminado ang mambabatas sa mga hamon at malalang korapsyon na nangyayari sa ahensya.

Kaya naman, binigyang-diin ni Go na napapanahon na ipasa ang kanyang Senate Bill 1185 o ang panukalang “Bureau of Immigration Modernization Act.”


Sinabi ni Go, na mahalaga ang panukala dahil nakapaloob dito ang pagdaragdag ng mga tauhan kasama na ang karagdagang kompensasyon para maiwasan ang katiwalian.

Ipinaliwanag ng senador ang epekto ng mababang sahod at kakapusan ng tauhan sa paglala ng korapsyon kaya’t isinusulong nito ang mas mataas na kompensasyon sa kanilang hanay.

Sa sandali aniyang ma-modernize ang Bureau of Immigration ay wala na silang dahilan na pumasok sa korapsyon at maisasaayos ang sistema ng Bureau of Immigration.

Oras na maging batas, pagkakalooban ang Immigration Board of Commissioners na panatilihin at gamitin ang 30% ng kanilang koleksyon mula sa Immigration fees, fines at penalties, at iba pang income dagdag pa ang pagtatatag ng Immigration Trust Fund mula sa koleksyon.

Facebook Comments