Pinakikilos na ang mga lokal na pamahalaan upang i-monitor kung nasusunod ang mga health protocols sa mga community pantry sa kanilang nasasakupan.
Sa interview ng RMN Manila kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, bagama’t nakatutuwa ang sariling inisyatibo ng mamamayan na makatulong sa iba pang nangangailangan, kailangan pa ring pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng lahat.
Itinuturing naman na welcome development ni Nograles ang mas lumalawak pang community pantry sa bansa na magiging tulong sa umiiral nang programa ng pamahalaan.
Sa ngayon kaugnay sa umano’y red tagging sa mga kasapi ng Community pantry, inatasan na ng National Privacy Commission (NPC) ang Philippine National Police (PNP) Data Protection Office na umaksyon sa isyu upang mapigilan ang paglabag sa karapatang pantao ng mga miyembro nito.
Habang pinuri naman ng ilang Senador ang diwa ng bayanihan ng publiko sa pamamagitan ng pagbubukas ng community pantries para sa mga mahihirap na Pilipino.