Pag-monitor sa galaw ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, iniatas na ng DOJ sa NBI

Pormal nang inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Investigation (BI) na i-monitor ang galaw ng dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang.

Kaugnay ito sa pagbili ng mga overpriced na medical supplies ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa DOJ, nagpalabas na ang Immigration ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Yang.


Maliban kay Yang, una nang isinailalim sa lookout bulletin sina Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao; Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong; at ang mga opisyal ng Pharmally na sina— Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Mohit Dargani, at Linconn Ong.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Pharmally sa kabila ng panibagong banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pipigilan ang gabinete na dumalo sa Senate hearings.

Facebook Comments