Mas naging pahirapan ang pagmonitor ng OCTA Research Group sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic kasunod ng paglipana ng bagong variants at subvariants nito sa bansa.
Sinabi ni OCTA fellow Guido David, dati kasi paisa-isa lang ang sumusulpot na variants habang ngayon ay napakaraming subvariants na siyang hirap i-memorize.
Dahil dito, naniniwala si David na posible itong magresulta ng iba’t ibang community transmission ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabila nito ay iginiit niyang hindi dapat mamuhay ang publiko sa takot at laging alalahanin ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Mababatid na nitong Martes at kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagkakatala ng kaso ng COVID-19 XBC variant at Omicron XBB subvariant sa bansa.
Facebook Comments