Pinayagan na ng Supreme Court ang pagsasagawa ng notaryo ng mga dokumento sa pamamagitan ng videoconferencing sa mga notary public na ang opisina ay nasa ilalim ng community quarantine.
Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ginagarantiyahan ito ng Korte Suprema sa ilalim ng 2020 Interim Rules on Remote Notarization of Paper Documents na inaprubahan ng Kataas-Taasang Hukuman.
Sa ilalim ng nasabing panuntunan, limitado lamang ito sa notarization ng paper documents at instruments na may handwritten signatures o marks sa pamamagitan ng paggamit ng videoconferencing facilities.
Hindi naman sakop nito ang execution ng notarial wills.
Facebook Comments