Pag-Ober Da Bakod Ng Ilang Miyembro Ng Liberal Party Sa Pdp-Laban, Hindi Ikinababahala Ni Pnoy

10

MANILA – Kumpiyansa si Pangulong Aquino na hindi mauubos ang mga miyembro ng Liberal Party kahit marami na ang nagsilipat sa PDP-Laban na partido ni incoming President Rodrigo Duterte.Sa launching ng Balog-Balog Multipurpose Project sa San Jose, Tarlac, sinabi ng Pangulo na naiintindihan niya kung bakit naglipatan ang kanyang mga kapartido.Aniya, iniisip lamang ng mga dati niyang kasamahan ang interes ng mga distrito na kanilang kinakatawan sa kongreso.Sa kabila nito, hindi nababahala si Pnoy dahil marami pa naman silang miyembro na naiwan at marami din ang nagpasabi na babalik sa kanilang partido.

Facebook Comments