Pag-obliga sa ilang sektor na magsuot ng face shield at paglalagay ng barrier sa mga pumapasadang riders, pinahihinto ng isang kongresista

Umaapela si ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo sa Inter-Agency Task Force (IATF) na itigil na ang pag-obliga sa mga cyclists, runners at scooter riders na magsuot ng face shields at pagre-require din sa mga riders na maglagay ng motorcycle barriers.

Tinawag ni Tulfo na ridiculous o katawa-tawa ang requirements na ito kaya naman hiniling ng kongresista na iabandona ng IATF ang aniya’y “one size fits all” policy.

Giit ng lady solon, ang solusyon para labanan ang COVID-19 ay nangangailangan ng calibration, logic, reason at common sense.


Paliwanag ni Tulfo, ioobliga lamang dapat ang pagsusuot ng face shields sa mga public places at indoor spaces na maraming tao pero hindi sa mga lansangan at kalsada.

Napatunayan na rin aniya na senseless at nagiging dahilan pa ng aksidente sa kalsada ang paglalagay ng barriers sa mga motorsiklo at hindi rin para sa road use ang paggamit ng face shield.

Dahil dito, umapela si Tulfo sa IATF na magsagawa muna ng konsultasyon sa mga road safety experts, leaders ng cycling community at cycling sports associations, mga siklista, runners at scooter riders para mailatag ang mga pag-iingat laban sa COVID-19.

Pinalilimita rin ng kongresista ang paggamit ng face shield lalo na sa mga bayan at probinsya na may isa lang o wala talagang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments