Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsubasta sa ₱704.8 million na halaga ng alahas ni dating first lady Imelda Marcos ay isang patunay na may nangyaring korapsyon sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maraming korte na ang nagsasabi na mayroong ill-gotten wealth at maraming nangyaring pang-aabuso sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kinokontra rin niya ang mga pagtatangka ng mga pro-Marcos propaganda na baguhin ang kasaysayan ng martial law.
Si VP Robredo ay vocal sa kanyang kritisismo sa pamilya Marcos kaugnay sa mga abusong nangyari noong martial law.
Facebook Comments