Manila, Philippines – Ipinanukala ng Philippine National Police sa pagdinig sa Senado na obligahin ang mga may-ari ng establisyimento na magbigay agad ng CCTV footage sa mga awtoridad.
Ayon kay PNP Legal Service Director Chief Supt. Manolo Ozaeta, may mga pagkakataong hindi madaling nakakakuha ng kopya ng CCTV ng mga establisyimento dahil kailangan pa ng court order.
Giit pa ni Ozaeta, madalas ay hindi na nila napapakinabangan ang mga CCTV footage bilang ebidensya sana dahil sa tagal ng proseso bago ito makuha.
Sinabi naman ni Sen. Jv Ejercito, na bukas silang pag-aralan ang nasabing panukala.
Dagdag ng PNP, mainam na itakda rin ng batas ang kalidad at linaw ng Cctv camera para madaling mamukhaan ang mga salarin.
Dapat ring sabihan ang mga may-ari ng establisyimento na itutok din ang mga CCTV sa parking areas at iba pang pampublikong lugar kung saan madalas mangyari ang krimen.