Pag-operate ng mga tiangge ngayong holiday season, ipapaubaya na ng DILG sa mga LGU

Ipinauubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) kung papayagang makapag-operate ngayong holiday season ang mga tiangge.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, walang nakasaad sa regulasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa pagbubukas ng mga tiangge.

Aniya, kailangan lamang makipag-ugnayan ang tiangge operators sa LGUs dahil ang mga ito ang magpapasya kung papayagan silang makapagtinda ngayong holiday season.


“Wala pong ipinagbabawal ang mga tiangge na iyan, hindi po iyan technically ipinagbabawal under the IATF regulation, but of course kailangan po nating siguruhin ang implementasyon ng minimum public health standards. So, for that, iyon pong mga negosyante natin na gustong magbukas ng mga tiangge, they will have to coordinate with their Local Government Units and iyong mga LGUs po kailangan na mag-monitor sa kanila kung sila ay papayagang mag-operate ngayong Kapaskuhan.” ani Malaya

Kaugnay naman sa posibilidad na extended mall hours, sinabi ni Malaya na hindi pa ito pinag-uusapan sa mga pulong at bahala na ang Department of Trade and Industry (DTI) na magdesisyon hinggil dito.

Facebook Comments