Pag-organisa ng Maritime CAFGU, kinontra ni Sen. Hontiveros

Tinutulan ni Senator Risa Hontiveros ang plano ng Armed Forces of the Philippines o AFP na armasan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea para gawing Maritime Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU.

Giit ni Hontiveros, mga pulis at sundalo lang dapat ang humahawak ng armas.

Diin ni Hontiveros, nakakabahala kung aarmasan din pati ang mga sibilyan tulad ng mga mangingisda.


Paliwanag ni Hontiveros, mas mainam na palakasin at pondohan ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) sa halip na ang pag-aarmas ng mga mangingisda.

Nangangamba si Hontiveros na baka mas lalo lamang maging target at i-bully ng China o ng iba pang bansa ang mga mangingisdang Pilipino kung sila ay aarmasan.

Tugon ito ni Hontiveros sa pahayag ni Brigadier General Zosimo Oliveros na malaki ang maitutulong ng mga mga mangingisda bilang maritime CAFGU sa pagbabantay sa ating malawak na karagatan.

Facebook Comments