Pag-overhaul sa IATF, iminungkahi ni Sen. Marcos

Ngayon ay ika-isang taon simula nang ipatupad ang lockdown o mga community quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Para kay Senator Imee Marcos, walang malaking dahilan para magdiwang dahil nanatili tayong naka-preso sa bahay, isang taon nang walang natututunan ang mga bata at isang taon nang walang kinikita ang marami nating kababayan.

Sa tingin ni Marcos, ang tanging paraan para gunitain ang isang taon ng paghihirap ng publiko ay sa pamamagitan ng pag-overhaul ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force o IATF.


Tanong ni Marcos, ano ba ang nagawa ng IATF para maibsan ang paghihirap ng mga pamilya, negosyo, mga health workers at Local Government Units (LGUs) na nauubusan na ng pondo at resources sa pagtugon sa pandemya.

Ipinunto ni Marcos na may mga parating na bakuna para mapigilan ang pagkalat ng virus pero ano naman ang makakapigil sa mga kapalpakan ng IATF.

Hinahanapan din ni Marcos ngayon ang IATF ng rekomendasyon para makontrol ang muling paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

Facebook Comments