Pag-override sa pag-veto ni PBBM sa panukalang batas na tax exemption sa honoraria at allowance ng poll workers, isinusulong sa Kamara

Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng House of Representatives ang grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT Philippines.

Sa naturang aktibidad ay nanawagan ang grupo sa mga pinuno ng Kongreso na i-override ang pag-veto ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption sa honoraria at allowance na ipinagkakaloob sa mga nagsisilbi tuwing eleksyon tulad ng mga guro.

Ayon sa tagapagsalita ng ACT Philippines na si Ruby Bernardo, kung hindi nakikita ni Pangulong Marcos ang buwis buhay na pagsisilbi ng mga guro tuwing halalan ay umaasa sila na makikita ito ng mga mambabatas.


Giit ni Bernardo, ang trabaho ng mga guro tuwing halalan ay pinakanakakapagod, nakakagutom, nakakapuyat at nahaharap pa sila sa matinding harassment.

Tiniyak ni Bernardo na patuloy nilang ipaglalaban ang panawagan ng mga guro at iba pang nagsilsilbi tuwing halalan.

Facebook Comments