Lingayen, Pangasinan – Kahit na dumating pa ang araw na sasailalim na lang sa General Quarantine ang lalawigan, binigyang diin ni Pangasinan Police Office Director PCol. Redrico Maranan na dapat magkaroon pa rin ng pag-papanatili ng mga boarder checkpoints at pag-hihigpit sa pagbabatay sa mga ito.
Ani pa ni Maranan, dapat itong gawin upang mabantayang maigi ang mga magbabalak na pumasok mula Region 3 at NCR kung saan ang mga nasabing lugar ay classified bilang High Risk Areas o iyong nakakapagtala pa rin ng mataas na bilang ng mga nag-popositibo sa COVID-19.
Dagdag pa ng provincial director na hindi malayong mag-pumilit at mag-hanap ng lugar ang mga taong nasa high risk areas kung saan maluwag ang panuntunan ng IATF gaya na lamang ng mga lugar sa Region 1.
Photo credited to PD Pangasinan Facebook