Pag-phase out sa mga wooden hull o bangkang kahoy, suportado ng DOTR

Iginiit ng Department of Transportation (DOTR) ang pag-phase out sa mga wooden hull o bangkang kahoy para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at tauhan nito.

Kasunod na rin ng insidente ng paglubog ng mga bangka sa Iloilo-Guimaras.

Pero nilinaw ni DOTR Sec. Arthur Tugade, hindi muna isasama sa phase out ang mga bangka ng mga mangingisda.


Dagdag pa ng kalihim, kailangang palawakin ang paggamit ng mga ro-ro bilang passenger boat.

Inatasan na ni Tugade ang Philippine Ports Authority upang i-akma ang mga pantalan sa mga ro-ro.

Kailangan ding magkaroon ng seaworthiness test lalo na sa mga barkong 30-taon nang ginagamit.

Facebook Comments