Pag-pigil ng PNP sa pag-organisa ng mga manggagawa sa Central Luzon ng Union kinundena ng Federation of Free Workers

Mariing kinundena ng grupong Federation of Free Workers ang ginawang pagpigil ng PNP sa pag-oorganisa ng mga mangaggawa ng Union sa Central Luzon.

Ayon kay Federation of Free Workers Peesident Atty. Sonny Matula hindi makatwiran at labag sa batas ang ginawang pagbuwag ng Philippine National Police (PNP) sa mga mangaggawa na magtatayo ng Union sa Central Luzon.

Paliwanag ni Atty. Matula sa halip aniya na protektahan ng PNP ang mga manggagawa ay binabagsak pa nila dahil wala umanong karapatan at kapangyarihan ang mga pulis na pagbawalan ang mga manggagawa na magtatag ng Freedom of Association.


Giit ni Atty. Matula, President ang pag-pigil umano ng mga pulis para mag organisa ng Unyon isang direkta umanong pagsupil ng kalayaang magtatag ng isang Asosasyon na ginagarantiya ng ating Saligang Batas.

Facebook Comments