Sa halip na i-post sa social media, hinikayat ng Task Force COVID-19 Adverse Effects ng pamahalaan ang publiko na i-report sa tamang kinauukulan ang mga posibleng adverse effects na mararanasan sakaling mabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Task Force Head Dr. Maricar Ang, ang pagpo-post ng adverse effects sa social media ay posibleng magdulot lamang ng takot at pangamba sa iba pang tao.
Iginiit ni Ang, na mayroong grupong nakatutok sa adverse effects.
Dapat malaman kung ang side effects gaya ng allergies ay dahil sa bakuna o hindi.
Iginiit naman ni Dr. Lulu Bravo ng Philippine Medical Association for Immunization na dapat pagtiwalaan ng publiko ang mga eksperto pagdating sa mga bakuna.
Facebook Comments