Pag-produce ng maraming green at renewable energy sources, isasagawa ng Pilipinas katuwang ang GEAPP

Handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Global Energy Alliance for People and Planet (GEAPP) para magkaroon ng maraming green at renewable energy sources.

Nangyari ito sa 26th United Nations (UN) Climate Change Conference of the Parties (COP26) sa Glasgow, Scotland.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na siyang chair-designate para sa Climate Change Commission (CCC), aabot sa $10 billion o katumbas ng mahigit P49 billion ang ilalaang pondo sa proyekto.


Gagamitin ito partikular sa implementasyon ng mga proyekto na gagawa ng clean energy na malaki ang tulong sa Pilipinas.

Ilalaan din ang pondo sa mga coal-fired power plants na nasa Mindanao.

Facebook Comments