Pag-proseso ng NBI clearance, suspendido muna dahil sa MECQ

Nag-abiso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko na pansamantalang suspendido ang pag-proseso ng NBI clearance.

Sa harap ito ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang August 18, 2020.

Ayon sa NBI, sakop nito ang kanilang mga operasyon sa main office sa Taft Avenue sa Maynila at sa mga satellite offices sa Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.


Bunga nito, pinapayuhan ng NBI ang publiko na ikansela muna ang kanilang clearance transactions.

Facebook Comments