Pag-railroad umano sa 2025 budget ng Marikina LGU, inaalmahan ng ilang konsehal

Pinalagan ng ilang city councilors ng Marikina local government unit (LGU) ang tila pag-re-railroad ng kanilang 2025 budget.

Batay sa alegasyon ng ilang miyembro ng konseho, bina-bypass umano ang key safeguards sa pag-apruba ng pondo sa ilalim ng mandato ng local government code at iba pang regulatory bodies.

Nagpapatunay umano ito na isinasantabi ang polisiya na itinakda ng local government code at ng Department of Budget and Management (DBM) para matiyak ang maayos na pagbuo ng pondo at pagiging transparent.


Giit ng grupo nina City Councilor Mary Jane Zubiri Dela Rosa kailangan nilang makita ang budget documents para makita kung paano gagamitin ang pondo para sa susunod na taon.

Kinakailangan nilang usisain ang pondo ng Marikina LGU para sa 2025 na umaabot sa 3.4 billion pesos para matiyak na mapupunta ito sa mga proyekto na pakikinabangan ng taumbayan.

Facebook Comments