Pag-ratipika ng Senado sa Reciprocal Access Agreement ng Pilipinas at Japan, welcome kay PBBM

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-ratipika ng Senado sa Reciprocal Access Agreement ng Pilipinas at Japan.

Sa ilalim ng RAA, palalakasin ang inter-operability sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at self-defense forces ng Japan, kabilang ang military cooperation at exercises, at security and defense.

Sa courtesy call sa Malacañang ni Japan National Security Adviser Akiba Takeo, sinabi ng Pangulo na sa oras na maging handa na ay maaari nang simulan ang pagpapatupad sa RAA.


Tiwala rin ang Pangulo sa pagpapalawak pa ng ugnayan ng dalawang bansa hindi lamang sa seguridad at depensa, kundi sa ekonomiya.

Sa panig naman ng Japan, sinabi ni Akiba na welcome kay Prime Minister Ishina Shigeru ang pag-usad ng bilateral cooperation ng dalawang bansa.

Facebook Comments