Inihain ni Senador Panfilo Lacson ang Senate Bill No. 1239 o panukalang naglalayong itaas o palakasin ang building safety standards ng bansa para mapaghandaan ang mga darating pang kalamidad gaya ng malalakas na lindol, mapaminsalang bagyo at baha.
Target ng panukala na isailalim sa masinsinang pag-araal ang 1977 National Building Code of the Philippines na magpahanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng pagbabago.
Sa obserbasyon ni Lacson, ay hindi na kaya ng mga gusali at establisiyemento ang mga malalakas na pagyanig at mapaminsalang bagyo at baha kaya marami ang nasirang ari-arian, kagamitan at hindi rin naiwasang may magbuwis ng buhay.
Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng panukala ni lacson ay ang pagpapabilis sa proseso ng building classification, kasama na ang permit application at Pagkonsidiera sa multiple hazards at iba pang aspetong pangkaligtasan sa pagtatayo ng gusali.
Itinatakda din sa panukala ang pag-buo ng inter-agency at multi-sectoral regulatory body at ang paglalatag ng Regulasyon sa kakayahan at kaligtasan ng mga lumang gusali.
Base sa panukala, bibigyan din ng insetintibo ang gagamit ng mga sustainable at ligtas sa kalikasan na mga materyales sa pagtatayo ng gusali.