Pag-rebrand ng “batas militar” bilang “Bagong Lipunan”, itinanggi ng DepEd

Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na plano nilang i-rebrand ang pagtuturo ng “Batas Militar” (Martial Law) bilang “Bagong Lipunan” sa basic education curriculum.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, walang ganoong panukala ang kagawaran at wala silang gagawing pagbabago.

Aniya, nakita niya ang kumalat na post sa social media ngunit agad din naman daw itong binura.


Nauna nang kumalat sa social media ang isang post na nagsasabi na batay sa kaniyang kaibigang propesor sa University of the Philippines na plano ng DepEd na palitan ang tawag sa “Batas Militar” bilang Panitikan ng Aktibismo at “Bagong Lipunan” dahil ayaw nilang may bumabastos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanilang curriculum.

Facebook Comments