Pag-recall sa Philippine Ambassador sa China, inihirit ni Sen. Risa Hontiveros Malacañan, ipinauubaya na ito sa DFA

Inihirit ni Senadora Risa Hontiveros ang pag-recall sa Philippine Ambassador at lahat ng consuls sa China matapos ang insidente sa Recto bank.

Giit ng senadora, kung nagawa ito ng Malacañang sa Canada dahil sa isyu ng basura magagawa rin ito ng pangulo sa China lalo’t buhay ng mga mangingisdang Pinoy at soberenya ng Pilipinas ang pinag-uusapan sa nasabing insidente.

Dapat din aniyang kilalanin at parusahan ang kapitan ng Chinese Vessel at mga tripulante nito na nag-abandona sa mga mangingisdang Pinoy.


Ayon kay Hontiveros, hindi makatao at kasumpa-sumpa ang ginawang ito ng mga Tsino.

Samantala ipinauubaya na ng Malacañang kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ang desisyon kung ipare-recall ang Philippine Officials sa China.

Facebook Comments