Pag-regulate sa social media, hindi sakop ng Anti-Terrorism Law ayon sa Malacañang

Kinontra ng Malacañang ang panukala ni bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lieutenant General Gilbert Gapay na gamitin ang Anti-Terrorism Act of 2020 para i-regulate ang social media.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sakop ng mga probisyon ng batas ang social media posts.

Aniya, opinyon lamang ito ni General Gapay.


Sinabi ni Roque na maaaring i-apply ang Cybercrime Law kung saan mayroong probisyon hinggil sa social media ngunit kinakailangan pa rin itong may basbas mula sa mga korte.

Bago ito, naniniwala si Gapay na ang pag-regulate sa social media ay makakatulong para para mapigilan ang radikalismo at paghihikayat sa mga kabataan na umanib sa mga terorista.

Magbibigay sila ng probisyon sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas para ma-regulate ang paggamit ng social media na pinaniniwalaan niyang platapormang ginagamit ng mga terorista para makapanghikayat ng mga miyembro.

Facebook Comments