Pag-relax ng publiko at ang presensya ng COVID variants, nakitang dahilan ng WHO kaya lumaki ang kaso ng infection sa bansa

Dalawang rason ang nasilip ng World Health Organization (WHO) sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, nag-relax ang publiko sa public health protocols noong nagsimulang dumating ang mga bakuna sa bansa.

Pangalawa aniyang dahilan ng surge ng COVID cases sa bansa ay ang presensya ng 3 variants partikular ang UK, South African at Brazilian variants.


Ayon pa kay Dr. Abeyasinghe, dapat ding ikonsidera ang pagbabawas ng mga taong pumapasok sa workplaces upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng infections.

Pinayuhan din nito ang publiko na kapag may nararamdaman nang sintomas ay huwag nang pumasok sa trabaho o magtungo sa mga pagtitipon.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Abeyasinghe na hindi lamang naman sa Pilipinas nagkaroon ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 kundi maging sa maraming bansa.

Facebook Comments