Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na inusad nila sa ika-11 ng Pebrero ngayong taon ang pag-renew ng mga business permit.
Sa original na petsa, Enero 29 ngayong taon sana ang huling araw ng pagre-renew ng business permits ng mga negosyante sa lungsod.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, nakiusap ang mga negosyante ng lungsod sa pamamagitan ng Muntinlupa Business Permits and Licensing Office (BPLO) na kung maaaring palawigin pa ang deadline ng renewal ng kanilang business permits.
Aniya, bilang pagtugon sa kahilingan ng mga negosyante sa lungsod, inihahanda na ng Muntinlupa City Council ang isang resolution ukol dito.
Kabilang din aniya sa resolusyon na huwag patawan ng penalties o multa ang hindi makakapag-renew ng kanilang business permits pagkatapos ng January 29.
Maaaring mag-renew ang mga negosyante ng kanilang business permits sa BPLO at sa Business Permits Renewal Hub na bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.