Pag-renew ng passport kahit walang appointment, hindi pa rin papayagan – DFA

Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kumakalat na impormasyon online na papayagan nang magtungo sa Robinsons Galleria sa Ortigas Avenue sa Quezon City ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nais mag-renew ng passport kahit walang appointment.

Ayon sa DFA, kailangan pa rin ng appointment sa alinmang transaksiyon kung magtutungo sa consular office at temporary off-site passport services (TOPS).

Ipinaalala naman ng DFA ang paghihigpit sa pagkuha ng passport at iba pang serbisyo bilang pag-iingat sa COVID-19.


Epektibo ang appointment requirement magmula noong May 2020.

Magtungo lamang sa https://passport.gov.ph/ at piliin ang mga branches na gustong magkaroon ng appointment.

Facebook Comments