Benito Soliven,Isabela-Agad na ipinag utos ni Vice Mayor John Paul Azur ng Benito Soliven ang agarang pagrepaso sa ilang mga ordinansa ng kanilang bayan matapos mapag alaman na ilan sa mga ito ay mistulang di naipapatupad o kayay salat sa ngipin dahil sa hindi pag sunod ng mga mamamaya sa kanilang lugar.
Sa isinagawang regular session ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa naturang bayan isiniwalat ni S.B member Isidro Siquian II sa kanyang priviledge speech na mistulang hindi sinusunod ang kanilang ordinansa na nagbabawal sa pagbyahe sa mga malalaking truck na may kargang tubo na walang takip na lona sa likuran bahagi upang maprotektahan ang mga sasakyan na sumusunod kung sakali na may mga mahulog na kargang tubo na dumadaan sa kanilang nasasakupan,maging ang pagbabawal sa mga astray animal na kadalasan nagiging sanhi ng aksidente sa lansangan tulad ng mga nakawalang aso,baka,at kalabaw.
Dahil dito ay inatasan ni VM Azur ang committee chairman ng Committee on Rules and Ordinances na pag aralan muli ang mga dati ng ordinansa na may kinalaman sa mga nabanggit na problema at himaying mabuti upang makagawa ng mas akma at maayos na ordinansa at taasan ang mga pwede multa sa mga lalabag nito.