Nilinaw ng Malacañan na hindi sinasagasa ang prinsipyo ng freedom of navigation ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-require ang lahat ng dayuhang barkong dadaan sa territorial waters ng Pilipinas na kumuha ng clearance.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – layunin nito na gawing lehitimo ang pagdaan ng foreign vessels sa ating karagatan.
Sa ilalim ng international law, ang mga bansa ay may freedom of navigation at overflight sa high seas o international waters na hindi pagmamay-ari ng anumang estado.
Facebook Comments