Ipinaliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung bakit kailangang i-re-route ang biyahe ng mga city bus sa bahagi ng Quezon City.
Ayon kay MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago, ginagawa nilang bus terminal ang bahagi ng Centris at pagka-kanan ng Quezon Avenue.
Ang tendency aniya ay nagkakaroon ng traffic build-up at choke point kung saan nawawala ang purpose ng busway.
Dagdag pa niya, tinatapos lang ang mga signages ng no loading at unloading para ma-validate ang pag-i-isyu ng ticket sa mga drivers ng city buses.
Pakiramdam aniya ng MMDA, ginagalit ng mga city bus drivers ang mga pasahero upang ibalik ang dati nilang daan.
Pero ngayon, may tamang babaan na sa Quezon Avenue kung saan nilawakan na ang service road dito.