Pag-reschedule ng nasuspindeng September 2021 Physician’s Licensure Exam, panawagan ng isang senador

Ipinanawagan sa gobyerno ni Senator Richard Gordon ang pag-reschedule sa una nang nasuspindeng September 2021 Physician’s Licensure Exam (PLE).

Ayon kay Gordon, maaari na itong gawin sa huling dalawang linggo ng Nobyembre dahil nangangailangan na ang bansa ng maraming doktor sa gitna ng pandemya.

Partikular na tinawagang-pansin ni Gordon Inter-Agency Task Force (IATF), Professional Regulation Commission (PRC), Board of Medicine at medical societies na kumokontrol sa eksaminasyon ng mga mag-aaral na nasa National Capital Region (NCR).


Sa ngayon batay sa datos, nangangailangan pa ng nasa 1,700 bagong doctors ang mga ospital sa bansa na tutulong sa paglaban sa pandemya.

Facebook Comments