Iginiit ng Commision on Human Rights na dapat bigyang proteksiyon ang mga Indigenous People (IP) sa bansa.
Ito ang sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia sa interview ng RMN Manila kasunod ng nangyaring pag-rescue ng mga pulis sa 19 estudyanteng Manobo sa University of San Carlos (USC) retreat house sa Cebu City.
Ayon kay De Guia, maraming isyu tungkol sa human rights ang insidente kaya’t kailangang imbestigahang mabuti.
Ipinaliwanag ni De Guia na menor de edad ang mga ito at mga miyembro pa ng indigenous group na tinanggalan umano ng karapatan sa edukasyon kaya sila napadpad sa unibersidad.
Ayon sa advocacy group na Save Our Schools Network, ang mga menor de edad na inaresto ay napilitang umalis sa kanilang tirahan sa Davao del Norte at nagtungo sa Cebu matapos na akusahan ng militar na miyembro sila ng komunistang grupo.
Umaasa naman si De Guia na makipagtulungan sa kanila ang mga pulis at ang kampo ng mga inaresto para malinawan sa tunay na nangyari.