Pag-review ng mga kontratang pinasok ng Pilipinas sa China, dapat naaayon sa batas – DOF

Nakatakdang ibigay ng Department of Finance (DOF) sa Office of Solicitor General (OSG) ang lahat ng kontratang pinasukan ng gobyerno kabilang ang loan agreements sa China.

Kasunod na rin ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na rebyuhin ng OSG at Department of Justice (DOJ) ang mga kontrata at foreign loans ng bansa at China upang malaman kung may mga paglabag ang mga ito sa konstitusyon at hindi makabubuti sa mamamayan.

Sa interview ng RMN Manila kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, aabot sa siyam na kontrata ang kanilang iti-turn over sa OSG at DOJ kung saan posible rin itong masilip ng publiko.


Bukas naman ang DOF sa rebisyon ng mga kontrata sakaling may masilip na iregularidad dito.

Posibleng maging sakop ng gagawing review ang halaga ng mga loan, re-payment scheme, maging ang mga final contructor ng mga proyektong isasagawa sa bansa.

Kabilang sa mga ipaprayoridad sa review ang mga concession agreements sa public utilities.

Facebook Comments