Pag-review ng polisiya sa paghawak sa mga PNP personnel na nasa ilalim ng restrictive custody, iniutos ni Acting PNP Chief Nartatez

Iniutos ni Acting Philippine National Police Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., sa lahat ng unit head and commanders nito ang pagreview sa umiiral na polisya sa paghawak sa mga police officers na nasa ilalim ng restrictive custody.

Kasunod ito ng insidente ng pananaksak na kinasasangkutan ng dalawang personnel na naka-assign sa Criminal Investigation and Detection Group.

Iniimbestigahan na ang nasabing kaso ng CIDG na nangyari kahapon ngunit gusto ni Nartatez na palawigin pa ang imbestigasyon kung saan tinitingnan nito ang posibleng adjustments sa rules and regulations kaugnay ng mga PNP personnel na nasa restrictive custody.

Ayon kay Nartatez, ang nasabing kaso na ito magsilbing urgent call para i-adjust at i-improve ang ilang mga polisiya na minsan ay nakakaligtaan.

Parte umano ng dapat na i-review ay kung paano magre-respond ang mga custodian sa obserbasyon ng pagbabago ng asal ng sinumang personnel na nasa ilalim ng restrictive custody kagaya na lamang nang nangyari sa insidente kahapon.

Ayon kay Nartatez, ang mga personnel na humaharap sa seryosong kaso ay kadalasang nakakaranas ng matinding pressure at ito ang isang bagay na dapat na tinitingnan kung ilalagay ang isang personnel sa ilalim ng restrictive custody ng matagal na panahon.

Kaugnay nito, nauna nang pinag-utos ni Nartatez sa lahat ng PNP Commanders na maayos na pangasiwaan ang kanilang hanay para mamonitor at marespondehan ang kanilang mga concern at mabilis na maaksyunan kahit na ang malilit na kaso ng misconduct o maling asal.

Facebook Comments