Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-roll out sa farm consolidation at clustering program sa buong bansa.
Pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar ang Administrative Order 27 na nag-aatas sa mga regional directors para tumukoy ng dalawang pilot farm and fisheries clustering and consolidation cluster projects.
Kasabay nito, itinalaga sina Undersecretary for operations Ariel Cayanan at Usec. for policy and planning Rodolfo Vicerra bilang pinuno ng advisory committee ng F2C2 pilot implementation.
Sa ilalim ng programa, mas magkakaroon ng access sa resources, mga teknolohiya at oportunidad sa merkado ang agri fisheries sector
Malaking hamon ngayon kung paano ang pag-consolidate sa mga fragmented small farm holdings sa bansa
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang average size ng lupang sakahan sa bansa ay lumiit na mula three hectares per family/holding noong 1980s na ngayon at 0.9 hectare na noong 2012.
Sa fishery sector, mayorya ng Filipino fishers ay gumagamit pa rin ng maliliit na bangkang pangisda na abot lang sa mga municipal water boundaries.