Pag-sailalim sa lahat ng Provincial Jails sa BJMP, kailangan na raw at napapanahon, ayon sa DILG

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukalang ilipat na ang Control at Supervision ng lahat ng Provincial at Sub-provincial Jails sa Bureau of Jail Management and Penology.

Makatarungan umano na maisama ang lahat ng Provincial Jail sa ilalim ng BJMP  upang magkaroon  ng standard na  implementasyon ng mga polisiya sa mga  bilangguan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magkakaroon na rin ng matibay at pantay-pantay na pamamahala at pangangalaga sa mga bilanggo at pawang mga Compent at Highly Trained Personnel ng BJMP   ang magbabantay dito.


Base sa records ng BJMP may kabuuang 74 ang Provincial Jails sa buong bansa , 13 Provincial Jails naman ang nasa  pamamahala   ng BJMP sa bisa ng  kasunduan ng mga   LGUs at Provincial Governments.

Ayon pa sa DILG may pito pang lalawigan ang walang Provincial Jails at nakikigamit lamang sa pasilidad ng BJMP.

Sa ngayon nasa kontrol at superbisyon ng mga Provincial Government ang mga Provincial at Sub-Provincial Jails sa bansa.

Facebook Comments