Pag-subsidize sa retail prices ng bigas, nakikitang solusyon ng SINAG para makamit ang pangako ni PBBM na P20/kilo ng bigas

Naniniwala ang grupong Samahang Industriya ng Magsasaka o SINAG na posibleng maisakatuparan ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gawing 20 pesos ang kada kilo ng bigas.

Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, magbebenepisyo ang mga consumers kung magiging polisiya ng pamahalaan na i-subsidize ang retail price ng bigas.

Sa ngayon, duda ang grupo kung kayang i- sustain ng pamahalaan na suplayan ng mataas na volume ng P25/kilo ng bigas ang mga Kadiwa store.


Paalala ng SINAG, pwedeng mag-subsidize sa retail price ng bigas nang hindi nagagalaw o nababarat ng husto ang farmgate prices ng palay.

Giit ng SINAG, magagawang pababain ang retail cost ng bigas kung makakapagpatupad ng iba pang interventions.

Kabilang dito ang pagbawas sa cost of production ng palay, ang pag-aalis ng post-harvest losses at mga non-productive players sa kabuuan ng supply chain ng rice industry.

Facebook Comments