Pag-take-over sa mga hotel, huling opsyon ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pag-take over sa mga hotel para mga tatamaan ng COVID-19 ay magiging huling opsyon ng gobyerno.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring gamitin ng pamahalaan ang police power at i-take over ang mga hotels sakaling magkulang ang hospital beds ngayong pandemya.

Ayon kay Nograles, mayroong legal na basehan ang sinabi ng Pangulo pero gagawin lamang ito bilang ‘last resort.’


Nakatuon ang pamahalaan para itaas ang bed capacities.

Facebook Comments