Pag-takeover ng Chinese company sa Hanjin, ikinabahala ni Robredo

Manila, Philippines – Nangangamba si Vice President Leni Robredo sa ideyang i-take over ng Chinese company ang bangkaroteng Hanjin Philippines.

Ayon sa Bise Presidente, dapat na pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang isyu dahil seguridad ng bansa ang nakataya rito.

Kung mapupunta aniya ang ownership ng Hanjin sa isang Chinese company, parang ginawa na ring legal ng pamahalaan ang paglabas-masok ng mga Chinese vessel sa bansa.


Wala namang nakikitang masama si Robredo sa posibilidad na pag-takeover ng gobyerno sa Hanjin.

Pero kung siya ang tatanungin, mas mainam na gawin na lang itong base ng Philippine Navy.

Matatandaang Enero a-otso nang magdeklara ng pagkalugi ang hanjin, ang pinakamalaking foreign investor sa Subic bay freeport.

Noong nakaraang taon, nasa 7,000 manggagawa ng Hanjin ang nawalan ng trabaho habang 3,000 iba pa ang pinangangambahang mawalan din ng trabaho ngayong taon kung hindi maisasalba ang nasabing shipbuilding company.

Facebook Comments