Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na hindi pa sigurado kung mag-tetake over nga ang gobyerno sa operasyon ng Hanjin Shipyard sa Zambales.
Ito ngayon ang pahayag ng Malacañang matapos sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na possible na ang Gobyerno ang magpatakbo sa Shipyard habang naibalita naman na dalawang Chinese companies din ang interesado na patakbuhin ito.
Ayon kay Chief Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, proposal pa lamang ang binanggit ni Secretary Lorenzana kaya hindi pa ito pinal o kung matutuloy.
Sinabi naman ni Panelo na bukad din si Pangulong Rodrigo Duterte sa proposal ni Lorenzana kaya isasailalim ito sa matinding pagaaral.
Pabor din naman si Panelo sa panukala ni Lorenzana dahil sigurading makadadagdag ito sa kita ng Pamahalaan.