Pag-tapyas sa budget ng ospital para sa mga beteranong sundalo, pinalagan ng 1 Senador

Kinuwestyon ni Senator Imee Marcos ang pag-bawas ng higit sa P211 milyon sa inilalaang 2020 budget sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC.

Dahil dito ay bumaba sa mahigit 1.6-billion pesos ang budget para sa susunod na taon ng VMMC mula sa kasalukuyan pondo nito na mahigit 1.8-billion pesos.

labis itong ikinalungkot ni Marcos, dahil maraming beterano ang maaapektuhan ng budget cut para sa pambili ng mga medical supply, gaya ng dextrose, mga gamot at iba pang kagamitan.


binnggit din ni marcos ang sinabi ni Dr. Dominador Chiong Jr., Program Director ng Veterans Hospitalization and Medical Care, na inaasahang dadami pa ang kanilang mga pasyente pero kulang na kulang ang pondo nila.

Ayon kay Chiong, aabot P1.13 bilyon ang nakalaan para sa treatment ng 10,000 in-patient care sa susunod na taon na mas mataas ng 1,500 pasyente ngayong taon.

Humihirit din ang VMMC ng P386 milyon pondo para pambili ng gamot ng mga beteranong sundalo sa susunod na taon.

Facebook Comments