Naghain ng resolusyon si Senador Imee Marcos na naglalayong makalikha ng isang pambansang polisiya para masolusyunan ang lumalalang problema ng teenage pregnancy.
Sa pulong balitaan sa QC, sinabi ni Marcos na sa ilalim ng Senate billl number 414, magtatatag ng isang teenage pregnancy prevention council.
Nababahala ang senadora sa report ng World Bank na isa sa sampung batang kababaihan na nasa edad 15-19 ay maagang nabubuntis o nagiging batang ina.
Aniya, ang teenage pregnancy ay magreresulta sa pagkakalagay sa peligro ng ina at bata at paglaki ng bilang ng school dropouts.
Kabilang sa bubuo ng prevention council ay Department of Education, Department of Health, Population Commission, PNP at mga LGUS
Magiging papel ng DepEd ang pagdebelop ng educational modules na gagamitin ng mga eskwelahan, health center at youth institutions para sa pagpapalaganap ng comprehensive sexual education.
Nakapaloob din dito ang livelihood at back to school component para matiyak na makapagpatuloy sa pag-aaral ng mga teenage mother.