Posibleng irekomenda ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagputol sa kontrata ng pilipinas sa mga chinese company na mapapatunayang nagkaroon ng parte sa pagtatayo ng artificial islands sa West Philippine Sea.
Una rito, 24 na state-owned Chinese companies ang pinatawan ng sanction at inilagay sa blacklist ng Amerika dahil sa partisipasyon sa militarisasyon at reklamasyon ng higit 3,000 ektarya sa nasabing karagatan.
Sa isang panayam, sinabi ni Locsin na magiging maingat siya sa pagba-validate sa mga ginagawang aksyon ng China.
Maaari rin kasing kasuhan ng China ang Pilipinas lalo’t nakapasok na ang kontrata sa bansa.
Aniya, makikipag-ugnayan pa rin siya sa Department of Transportation at National Economic and Development Authority para alamin kung may mga inaprubahan o ongoing projects ang Chinese partners nito na sakop ng US sanction.