
Nakaantabay ang Malacañang sa posibleng pagsasampa ng kaso laban kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pribadong indibidwal si Bonoan, kaya hihintayin muna ng gobyerno ang pormal na kaso bago magpatupad ng anumang hakbang laban sa kanya.
Kapag may naisampang kaso, maaari umanong i-trace at tutukan ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng dating kalihim, lalo na’t hindi ito nakabalik sa bansa matapos bumiyahe sa Estados Unidos.
Batay sa rekord, umalis si Bonoan ng Pilipinas noong Nobyembre 11, 2025, patungong Amerika upang samahan ang kanyang asawa sa medical procedure.
Gayunman, hanggang ngayon ay wala pang tala ang mga awtoridad na nakabalik na ito sa bansa, kahit inaasahan sana ang kanyang pagbabalik noong Disyembre 17.









